Lab Isturi

Once upon a time na in love si Tom at Sara sa isa't isa. Isang magandang pag-iibigan. Pero nagkalayo sila. Bakit? Hulaan niyo na lang. Eto ang ilan sa mga sulta ni Sara para kay Tom.

Sunday, April 25, 2010

MAach 16, 2010

Tom,

Huwag kang magsawa. Huwag kang mapagod. Walang magbabago sa atin. Sabay natin babaguhin ang mundo.
Mas magiging matapang ako. Pangako.

Sara

March 1, 2010

Tom,

Kung maglalakad ako palayo ay hindi dahil may nagbago.
Kung maglalakad ako palayo ay hindi dahil may ibang tao.
Kung maglalakad ako palayo ay hindi dahil ayaw ko na.
Takot ako yun ang totoo. Perpekto ka at mananatili kang perpekto. at ako ay mananatiling takot.

Sara

February 20, 2010

Tom,
sa bawat araw na malayo ako sayo ay panibagong araw ng takot. takot na baka hindi na matapos ang mga arw a ito. hindi ko kaya.
tila lahat ng ginagawa ko ay tungkol sayo. ang bawat pagbukas ng mata ay puno ng pag-asa na masilayan ka na. ang bawat pagpikit ay may kasamang dasal na ika'y mapanginipan. kahit ang mga ngiti, pagtawa at paghinga ay alay sayo.
walang kapaguran ang pag-iyak ko gabi gabi para sayo. mga luhang may halong pangangamba at pangugulila. sabi mo hindi ko kailangan mag-alala naniwala ako. pero ngayong tanging duguan na jacket lng ang hawak ko, paano ako hindi mag-aalala?

Sara

Friday, April 16, 2010

January 30, 2010

Tom,

Nalilito na ako sa gusto at dapat kong gawin. Nahihirapan na ako. Gusto kitang kausapin. Ano ba dapat gawin ko? San ka ba? Puntahan mo na ako dito. Pag-usapan natin yung mga plano natin. Habang tumatagal lumalabo sakin ang lahat.
Paano kung hindi ko na kayanin, magagalit ka ba? Susubukan mo bang ayusin? Iintindihin mo ba yung naging kalagayan ko? Mamahalin mo pa ako? Malapait na akong bumigay.
Sana dumating ka na.

Sara

Monday, April 12, 2010

august 24, 2009

tom,

iniisip ko mula kanina kailan yung unang beses na sinabi mong mahal mo ako? natatandaan mo pa ba yun?

february nung una mong hawakan kamay ko. naglalakad tayo pauwi galing concert. hindi na tayo pwdeng magkita at magtextan masyado kapag katapos ng gabing yun kaya naman sobrang tahimik natin. napagkasunduan natin na masyado natin namamadali ang lahat at marami pa tayong ibang mas importanteng dapat gawain. hindi naman sa pinipigilan natin ang ating mga sarili but rather we are trying to be reasonable and objective. pagkaliko natin sa kanto ng boarding house ko, bumgal ang paglalakad natin. tiningala ko ang buwan, ang ganda nito. dumikit ang likod ng kamay ko sa likod ng iyo. hindi ko inasahan ang sumunod mong ginawa. pinunan ng mga daliri mo ang mga espasyo sa aking malamig na kamay. huminto ako saglit. tinignan ko ang mga kamay natin, tinignan ko ang iyong mukha at muli tinignan ko ang langit. pinisil ko ang iyong kamay. naisip ko bigla siguro ang mga kamay ng tao ay ginawa katulad ng jigsaw puzzle. at ang mga kamay natin ay perfect fit.

how about that first kiss, do you remember?

sara

Saturday, April 10, 2010

august 16, 2009

kahit ngayon

kahit ngayon
ngayon lang tayo nagkakilala
ay alam kong matagal na tayong magkasama
sa isang hangaring marangal
sa isang digmaang may saysay
sa isang ugnayang niluwal
ng isang dakilang pananaw

At kung sakaling magkalayo man sa gawain
Bawat oras ikaw ay lagi kong kapiling
Sa piling ng bawat api
Kasing-tamis mong ngumiti
Sa bawat pagpupunyagi
Kasama sa layang mithi

At hanggang daigdig ay magbago
Ikaw pa rin ay kasama ko
Ang damdamin at layunin
Patuloy na magniningning
At hanggang daigdig ay magbago
Ikaw pa rin ay kasama ko

Kahit saan man may tunggalian at paglaban
Nagtatagpo lakas natin at paninindigan
Sa bisig na nagpapanday
Sa bisig na nagbubungkal
Ng isang bagong kaisipan
Ng isang malayang lipunan

At hanggang daigdig ay magbago
Ikaw pa rin ay kasama ko
Ang damdamin at layunin
Patuloy na magniningning
At hanggang daigdig ay magbago
Ikaw pa rin ay kasama ko
Ang damdamin at layunin
Patuloy na magniningning

Kahit ngayon, ngayon lang tayo nagkakilala

Tom,
ito ang unang sulat ng pag-ibig na aking gagawin.
ang pag-ibig natin ay hindi tulad sa iba dahil ito ay mapagpalaya sa atin at sa lipunan. sabay nating papaunlarin ang ating mga asarili at iigpawan ang bawat kahinaan. huwag na huwag kang panghihinaan ng loob. andito lang ako, ang mga kasama at higit sa lahat ang mga masa. sa kanila natin alay ang ating buhay at pag-ibig.
salamat sa iyong mga ngiti.
mamahalin kita hanggang sa pagpawi ng mga uri.

sara