kahit ngayon
kahit ngayon
ngayon lang tayo nagkakilala
ay alam kong matagal na tayong magkasama
sa isang hangaring marangal
sa isang digmaang may saysay
sa isang ugnayang niluwal
ng isang dakilang pananaw
At kung sakaling magkalayo man sa gawain
Bawat oras ikaw ay lagi kong kapiling
Sa piling ng bawat api
Kasing-tamis mong ngumiti
Sa bawat pagpupunyagi
Kasama sa layang mithi
At hanggang daigdig ay magbago
Ikaw pa rin ay kasama ko
Ang damdamin at layunin
Patuloy na magniningning
At hanggang daigdig ay magbago
Ikaw pa rin ay kasama ko
Kahit saan man may tunggalian at paglaban
Nagtatagpo lakas natin at paninindigan
Sa bisig na nagpapanday
Sa bisig na nagbubungkal
Ng isang bagong kaisipan
Ng isang malayang lipunan
At hanggang daigdig ay magbago
Ikaw pa rin ay kasama ko
Ang damdamin at layunin
Patuloy na magniningning
At hanggang daigdig ay magbago
Ikaw pa rin ay kasama ko
Ang damdamin at layunin
Patuloy na magniningning
Kahit ngayon, ngayon lang tayo nagkakilala
Tom,
ito ang unang sulat ng pag-ibig na aking gagawin.
ang pag-ibig natin ay hindi tulad sa iba dahil ito ay mapagpalaya sa atin at sa lipunan. sabay nating papaunlarin ang ating mga asarili at iigpawan ang bawat kahinaan. huwag na huwag kang panghihinaan ng loob. andito lang ako, ang mga kasama at higit sa lahat ang mga masa. sa kanila natin alay ang ating buhay at pag-ibig.
salamat sa iyong mga ngiti.
mamahalin kita hanggang sa pagpawi ng mga uri.
sara
Saturday, April 10, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment