tom,
iniisip ko mula kanina kailan yung unang beses na sinabi mong mahal mo ako? natatandaan mo pa ba yun?
february nung una mong hawakan kamay ko. naglalakad tayo pauwi galing concert. hindi na tayo pwdeng magkita at magtextan masyado kapag katapos ng gabing yun kaya naman sobrang tahimik natin. napagkasunduan natin na masyado natin namamadali ang lahat at marami pa tayong ibang mas importanteng dapat gawain. hindi naman sa pinipigilan natin ang ating mga sarili but rather we are trying to be reasonable and objective. pagkaliko natin sa kanto ng boarding house ko, bumgal ang paglalakad natin. tiningala ko ang buwan, ang ganda nito. dumikit ang likod ng kamay ko sa likod ng iyo. hindi ko inasahan ang sumunod mong ginawa. pinunan ng mga daliri mo ang mga espasyo sa aking malamig na kamay. huminto ako saglit. tinignan ko ang mga kamay natin, tinignan ko ang iyong mukha at muli tinignan ko ang langit. pinisil ko ang iyong kamay. naisip ko bigla siguro ang mga kamay ng tao ay ginawa katulad ng jigsaw puzzle. at ang mga kamay natin ay perfect fit.
how about that first kiss, do you remember?
sara
Monday, April 12, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment